Friday, August 28, 2015

TANGKILIKIN, BASAHIN, PAGYAMANUN

TANGKILIKIN. BASAHIN. PAGYAMANIN.


Ang mga katagang ito ang siyang kumakatawan kung saan iikot ang adbokasiya ng mga proponents.
Ito ang nagbubuod kung ano ang rasyunal, mithiin at layunin ng adbokasiya. Ipinapakita nito kung ano mga aksyong gustong ipatupad ng adbokasiya.
  1. Tangkilikin
    • Pahalagahan ang yaman ng Inang Bayan. Dapat itaguyod natin ang kung ano ang meron tayo.
    • Tangkilikin ang mga gawa ng manunulat na Pilipino at ipagmalaki ang literaturang sariling atin.
  2. Basahin
    • Mataas ang literacy rate ng Pilipinas. Ibig sabihin, marami ang marunong magbasa.
    • Dapat basahin ang mga akdang nakalimbag sa wikang Filipino. Huwag gawing dahilan na hindi kaaya-aya ang pabalat ng mga aklat na sariling atin.
    • Hindi nasusukat sa pabalat ang kagandahan ng isang akda, bagkus ay makikita ito sa nilalaman nito at sa nais iparating ng may-akda.
  3. Pagyamanin
    • Bawat Pilipino ay may tungkulin na paglikuran ang Inang Bayan. Iangat ang antas ng literatura sa Pilipinas.
    • Ipagmalaki at payabungin ang wikang Filipino at hikayatin ang iba na gawin din ito.
    • Pagtibayin at suportahan ang mga akdang Filipino at huwag itong balewalain lamang.
    • Mahalin ito kagaya ng pagmamahal sa iyong bayan dahil hindi biro ang ginagawa ng mga manunulat na Filipino para itaguyod ang Industriya ng Literatura sa Pilipinas.

No comments:

Post a Comment