Wednesday, August 26, 2015

PROYEKTO

PROYEKTO


Ang adbokasiya ay naglalayong tulong sa pagresolba ng isyung nabanggit sa pamamagitan ng mga naisip naming paraan tulad ng pagkakaroon ng "reading time" at pagsasagawa ng mga book fairs at seminars.
Naglalayon ito na makapag-ambag sa kaunlaran ng industriya ng literatura sa Pilipinas.
  1. Reading Time
    • Magkakaroon ng oras pagbabasa ang mga estudyante bilang parte ng kanilang pagpasok sa eskwelahan.
      Ang oras na ito ay maaring isang beses lamang sa isang linggo at maaaring magtagal ng isang isa hanggang dalawang oras.
      Syempre, ang mga librong babasahin ay akdang Filipino.
      (Ang ideyang ito ay inspirado ng reading time na nagaganap tuwing Martes ng umaga sa aking paaralan na pinasukan ng elementarya at sekondarya: SNFSS)
  2. Book Fairs
    • Magkakaroon ng mga fairs kung saan pulos mga akdang Filipino ang ipagbebenta upang makilala ng mga mag-aaral o ng ibang mga tao ang hindi pa nasisilayang gawang sariling atin.
  3. Seminars
    • Magkakaroon ng mga seminars kung saan tatalakayin ang kahalagahan ng mga akdang lokal sa ating bansa. Layunin din ng mga seminars na itong imulat ang mga tao, lalo na ang kabataan, ukol sa problemang nabanggit sa adbokasyong ito.

No comments:

Post a Comment