Thursday, August 27, 2015

RASYUNAL,MITHIIN, AT MGA LAYUNIN

RASYUNAL,MITHIIN, AT MGA LAYUNIN


Nais naming mga proponents na bigyan ng pansin ang isyu dahil ito ay napapanahon at angkop sa amin. Bilang bahagi ng kabataan, ang isyung ito ay hindi lingid sa aming kaalaman. Sa katunayan, kami ay aminadong parte ng kabataang mas tinatangkilik ang akdang banyaga kaysa akdang Filipino. Ngunit napagtanto naming kailangang bigyan ng halaga ang mga akdang sariling atin. Oras na upang gumawa ng hakbang tungo sa muling pamumulaklak ng literaturang Filipino. Dapat lamang na matuto ang kabataang pahalagahan at tangkilikin ang mga aklat o istoryang Filipino. Nararapat na bigyang-pansin na ang isyung ito upang hindi na lumala pa at hindi na umabot sa puntong wala nang kaalam-alam ang kabataan ukol sa literaturang Filipino.
Inaasahan naming mga proponents na kami ay makatutulong sa pagresolba ng isyung ito sa pamamagitan ng mga naisip naming paraan tulad ng pagkakaroon ng "reading time" at pagsasagawa ng mga book fairs at seminars. Inaasahan din namin na kami ay makapag-aambag sa kaunlaran ng industriya ng literatura sa Pilipinas.
Ang adbokasiyang ito ay may mga sumusunod na layunin:
  1. Muling mapanumbalik ang magandang pagtingin ng kabataan sa mga akdang Filipino
  2. Magkaroon ng karagdagang kaalaman ang kabataan ukol sa kulturang nakapaloob sa mga akdang Filipino
  3. Mapaunlad ang talasalitaan o bokabularyo sa wikang Filipino
  4. Mabatid ng kabataan ang mga pambansang isyu na karaniwang paksa ng mga akdang Filipino
  5. Mapanumbalik ang pamumulaklak ng akdang Filipino
  6. Mabigyang-pansin ang kabataan ng kasalukuyan na may angking kakayahan sa pagsulat ng mga akdang Filipino
  7. Mabigyang-halaga ang mga manunulat na nagtataguyod ng literaturang Filipino

No comments:

Post a Comment